UKRe Dance Sport duos, humataw ng tanso
By The University Of Scribe
|
Jan 8, 2026 at 12:10 PM
|
1 min read
|
3 Views
Continue reading
Wagi ang dalawang pares ng UCU Knights Reborn (UKRe) nang mag-uwi ng dobleng tanso sa Dance Sports Competition na ginanap sa Convention Center ng City of San Jose del Monte, Bulacan, Oktubre 23.
Itinanghal sa ikatlong puwesto sina Jimbrex R. Garcera at Ma. Hazel Susana Cruz sa Latin Category, gayundin sina Mark Morales at Maria Princess Gayle P. Rey sa Standard Category.
Nakamit ng Gordon College (GC) ang unang puwesto sa Latin Category na sinundan ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP).
Pinagharian naman ng Taguig City University (TCU) ang Standard Category na sinundan ng Gordon College (GC) sa ikalawang puwesto.
Ang dance sports team ay pinamunuan nina Richard B. Fernandez at Rodrigo D. Castañeda.
#TheUniversityScribe
#20YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!