Success!
'Ti Baro A Namnama' ng CAS, nag-uwi ng tatlong parangal sa DARCRFF 2026 — The University Scribe
Success!

'Ti Baro A Namnama' ng CAS, nag-uwi ng tatlong parangal sa DARCRFF 2026

By The University Of Scribe | Oct 8, 2026 at 7:59 AM | 1 min read | 6 Views

Share
Continue reading
'Ti Baro A Namnama' ng CAS, nag-uwi ng tatlong parangal sa DARCRFF 2026
Photo by: College of Arts and Sciences
Nagkamit ng tatlong parangal ang pelikulang “Ti Baro A Namnama” ng College of Arts and Sciences (CAS) sa Department of Agrarian Reform Central and Regional Film Festival (DARCRFF) 2026, na ginanap sa Pangasinan State University–Sta. Maria Campus, Oktubre 2.

Nasungkit ng pelikula ang Ikalawang Puwesto sa Best Film, Best Poster, at Best Editing sa Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) Category.

Tinanggap ng kolehiyo ang mga gantimpala sa pangunguna ni CAS Dean Dr. Princess Sara M. Quintana.

Sa paggabay ng film adviser na si Bb. Micah R. Tarlit mula sa programang Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon, hinango ang pelikula sa tunay na karanasan ng mga magsasaka ng Magandang Buhay Organization.

Itinampok sa rehiyonal na pagdiriwang ang mga maikling pelikula mula sa iba’t ibang unibersidad bilang bahagi ng PelikulAgraryo 2026 ng Department of Agrarian Reform–Ilocos Region. Tampok sa programa ang mga temang “Ubra ken Obra: Aldaw ti Pammadayaw” at “Tinig ng Lupang Malaya: Kwento at Aral-Agraryo, Butil na Pamana sa Kabataan,” na nagbibigay-diin sa mga kuwento, ambag, at pamana ng mga magsasaka at benepisyaryo ng repormang agraryo.

#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives See less

Report by Althea P. Dondriano

Join the discussion
Log in to comment and interact with other readers.
Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts!

More in Sports

Continue exploring Sports content

View All
Worls No. 217 Han Shi, pinataob si Eala

Worls No. 217 Han Shi, pinataob si Eala

Worls No. 217 Han Shi, pinataob si Eala

Gumawa ng malaking upset si Han Shi ng China matapos nitong magapi ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa Wuhan Open, Oktubre 12, sa iskor na 4-6, 6...

Nov 26, 2026 5 1
KLL wagi kontra UCU, 73-64

KLL wagi kontra UCU, 73-64

KLL wagi kontra UCU, 73-64

Nabigo sa kanilang unang laban ang UCU Knights Women’s Basketball Team matapos magapi sa kamay ng Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa (KLL), ang silver medali...

Nov 26, 2026 6 4
UCU MVT, kasado na sa finals

UCU MVT, kasado na sa finals

UCU MVT, kasado na sa finals

Nananatiling matibay ang Urdaneta City University Men's Volleyball Team (UCU MVT) matapos walisin ang City College of Angeles sa straight sets, 3-0.Na...

Nov 26, 2026 3 1