Sa ilalim ng resolusyong ito, layunin ng konseho na mabigyan ang mga mag-aaral at kinikilalang organisasyon ng pagkakataong malaman kung paano inilalaan, pinamamahalaan, at ginagamit ang mga pondong ipinagkatiwala sa kanilang mga student leaders.
Ayon kay Mark Reden M. Ridon, USC Public Relations Officer, mahalagang hakbang ang pagpapatibay ng naturang resolusyon upang magkaroon ng maayos at transparent na sistema sa pangangasiwa ng pondo, lalo na't nasa sentro ng student leadership ang Student Council.
Dagdag pa niya, hindi lamang USC ang inaasahang magpatupad ng ganitong sistema, kundi nais din nilang hikayatin ang bawat kinikilalang student organization na gawin ito.
“Through this resolution, hindi lang Student Council ang gagawa nito, but we also want to encourage every CSO to do the same para alam ng student body kung saan napupunta ang kanilang contributions,” aniya.
Ang Student Council Resolution No. 003, Series of 2026, ay akda nina Auditor Mariz B. Ogoy, Treasurer Sherwin V. Ballesteros, Secretary Adrian Arneil N. Raquiza, at Public Relations Officer Mark Reden M. Ridon, Nobyembre 7, 2026.
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!