Nakuha ng UKRe Spikers ang unang set, 25-23, ngunit nabigo silang mapanatili ang kanilang kalamangan matapos mapasakamay ng SMMC ang tatlong sumunod na set, 25-15, 25-21, at 25-19.
“Walang nawala sa amin. Panalong-panalo pa rin kami—from the crowd, from support, from coaches na nagtitiwala sa amin. Doon pa lang panalong-panalo na kami,” pahayag ni Jake Denniel A. Quero.
Bukod sa pilak na medalya ng koponan, nagkamit din ng mga indibidwal na karangalan ang tatlong manlalaro ng UKRe:
* Best Opposite Spiker – Russell L. Nicolas
* 2nd Best Outside Hitter – Jake Denniel A. Quero
* 2nd Best Middle Blocker – Shawn Cedrick D. Cojotan
Samantala, nakamit ng SMMC ang dalawa pang indibidwal na parangal:
* Best Setter – John Daniel Ambida
* Best Libero – Karl Ace Palaganas
Hinirang namang Most Valuable Player (MVP) si Sharvin Buenaventura ng SMMC.
Matatandaang nagtapos lamang sa pang-apat na puwesto ang UCU MVT noong nakaraang taon, bago umangat sa ikalawang puwesto sa edisyon ng National Games ngayong taon.
“Panalo pa rin kami, kasi ang taas ng itinaas namin. From 4th place to 2nd place,” ani Emelson S. Borda, kapitan ng UKRe Spikers.
Nagpaabot din si Borda ng personal na pasasalamat sa suportang ibinigay ng UCU, ng kanilang mga coach, at lalong-lalo na ni Chief Operating Officer Atty. Dar A. Diga.
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives
#LCUAA2026
#15thLCUAANationalGames
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!