Series 4: Ningning kahit sa Dilim
By The University Of Scribe
|
Jun 30, 2026 at 3:59 PM
|
1 min read
|
4 Views
Continue reading
Kahit takpan ng ulap ang tanging sinag,
Patuloy na sisiklab, hindi matitinag.
Sa bawat unos na pilit bumubura,
Magliliwanag, mas titindig pa.
Hindi na kami maghihintay ng mata,
Na kikilala lang kung kailan nila gusto.
Sarili naming ningning ang s’yang patunay,
Na kami’y mahalaga, sa ami’y nagtataglay.
Kami ang salamin ng sariling halaga,
Hindi repleksyong sa iba lang kumakatha.
Sa bawat ngiti, sa bawat hakbang,
Katotohanan nami’y hindi mapipigilan.
Banaag kami sa mga naliligaw,
Ilaw sa dilim ng mga sugatang araw.
Sa aming pagtindig, may ibang bumabangon,
Sa aming tapang, may pusong tumutugon.
Pilit mang purolin ang aming kinang,
Lalo lamang titibay ang aming palarang.
Sapagkat ang kulay na tunay at totoo,
Kailanma’y hindi maglalaho.
Kami ang tanda, kami ang sigaw,
Na ang katotohana’y hindi kayang iligaw.
Mananatiling banaag sa bawat sulok,
Liwanag na kailanma’y hindi mapupusok.
Tula ni Ezekiel Eun S. De Castro
Paglalatag ni Ralph Louie A. Mateo
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspective
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!