Success!
Wikang Pambansa, binigyang-tinig sa campus radio — The University Scribe
Success!

Wikang Pambansa, binigyang-tinig sa campus radio

By The University Of Scribe | Aug 29, 2026 at 9:49 AM | 2 min read | 7 Views

Share
Continue reading
Wikang Pambansa, binigyang-tinig sa campus radio — image 1
Wikang Pambansa, binigyang-tinig sa campus radio — image 2
Wikang Pambansa, binigyang-tinig sa campus radio — image 3
Wikang Pambansa, binigyang-tinig sa campus radio — image 4
Sa pangunguna ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon, tampok ang “MIC CHECK, 1-2: Wikang Pambansa, Naririnig Pa Ba?” bilang bahagi ng isang espesyal na episode ng UCU Campus Radio para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.

Naging panauhin sa online na programa sina Bb. Jenielyn P. Cabiles at Bb. Maria Stacey Gail S. Daniel mula sa Kolehiyo ng Sining at Agham—Departamento ng Filipino, kung saan tinalakay ang wastong paggamit, pagpapahalaga, at patuloy na pagpapaunlad ng Wikang Filipino, gayundin ang kalagayan nito sa gitna ng makabagong paraan ng pakikipag-ugnayan.

Para kay Daniel, mahalagang palawakin ang kaalaman sa wika sa pamamagitan ng pagbabasa.

"Siguro, bilang isang bata noon na wala pang kaalam-alam na hinggil sa literatura o panitikan ng Pilipinas, magbasa tayo nang magbasa. Marami tayong maaaring mabasa at maaaring mahubog n'on 'yung pagmamahal natin sa Filipino. Doon nagsisimula," aniya.

Dagdag niya, bata pa ang Wikang Filipino at patuloy pa itong umuunlad kasabay ng panahon, sa tulong ng Komisyon sa Wikang Filipino at ng mga gurong nagsusulong ng adbokasiya para sa pagpapaunlad nito.

Samantala, inilahad naman ni Cabiles ang papel ng Filipino sa pagbuo ng pagkakaunawaan at pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang ambag ng asignaturang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina sa pag-unawa sa kasaysayan ng wika.

“Sa mga nakapag-aral na nito, sana maging isa kayo sa mga dahilan upang mas palaganapin natin ang paggamit ng Filipino dahil nga isa ito sa pinaka-importante. Huwag po nating kakalimutan ang ating Wikang Filipino,” panawagan niya.

Nagtapos ang talakayan sa isang paalala na hindi lamang bahagi ng ating nakaraan ang Wikang Filipino, kundi isa rin itong tinig na patuloy na huhubog sa ating kinabukasan.

#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives See less

Report by Rhey Anne M. Pascua

Join the discussion
Log in to comment and interact with other readers.
Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts!

More in UCU News

Continue exploring UCU News content

View All
UCUSC, ipinanukala ang trasparency at accountablity sa SC Resolution NO. 003, S. 2026

UCUSC, ipinanukala ang trasparency at accountablity sa SC Resolution NO. 003, S. 2026

UCUSC, ipinanukala ang trasparency at accountablity sa SC Resolution NO. 003, S. 2026

Isinulong ng Urdaneta City University-Student Council (UCUSC) ang mas pinaigting na transparency at accountability sa pamamahala ng pondo ng konseho m...

Nov 26, 2026 2 0
CTE opens United Nations Celebration 2026

CTE opens United Nations Celebration 2026

CTE opens United Nations Celebration 2026

The Young Educators’ Society (YES) organization, in collaboration with the Social Science Society (SSS) under the College of Teacher Education (CTE),...

Nov 26, 2026 1 0
CTE crowns Mr. and Ms. UN 2026

CTE crowns Mr. and Ms. UN 2026

CTE crowns Mr. and Ms. UN 2026

The College of Teacher Education (CTE) held its search for Mr. and Ms. United Nations 2026 on November 11 at the University Gymnasium.Marking the seco...

Nov 26, 2026 1 0