Series 2: Lampara
By The University Of Scribe
|
Jun 30, 2026 at 1:18 PM
|
1 min read
|
3 Views
Continue reading
Pilit 'mang itinatago sa madilim na mundo
Natutong tumindig at tumayo.
Ilang beses nawawalan ng liwanag
Sa pag-aklas ‘di nagpatinag.
Dahan-dahang lumabas,
Tunay na kulay at halaga'y ipinamalas.
Hindi nagpadaig sa aninong matitikas
At naniwalang makabuluhan ang bawat pagpagaspas.
Sa tulong ng liwanag mas yumabong ang kaisipan,
Ipinakita ang pagtutol sa maling paghuhusga.
Winaksi ang sarili sa dilim
At unti-unting ibinunyag ang taglay na ningning.
Tulad ng pagtingin sa isang lampara
Na makapangyarihang liwanag ang dala.
Siya ring pagtanggap at pagpapahalaga,
Na sadyang matingkad at puno nang pagpapala.
Tula ni Tristan Jay G. Berbon
Paglalatag ni Ralph Louie A. Mateo
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspective
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!