Muling nagsalpukan ang mga manlalaro ng iba’t-ibang kolehiyo bilang parte ng Sports Fest 2026 sa UCU Quadrangle, Abril 13-14.
Sa men’s volleyball, wagi ang CTE Wolves kontra CITE Black Panthers sa isang dikit na laban 25-22, 25-21. Habang pinataob ng CEA Soaring Haribons ang katunggali nitong CHS Dragons sa iskor na 25-13, 25-18.
Sa kabilang banda, umariba rin CTE Wolves sa women’s volleyball matapos mapabagsak ang CITE Black Panthers sa iskor na 25-14, 19-25, at 15-5.
Samantala, nasungkit din ng CHTM Phoenix ang una nitong panalo matapos gapiin ang CHS Dragons, 25-11, 21-25, at 15-9.
Narito ang mga maghaharap bukas, Abril 15
:
Men’s volleyball: CHTM Phoenix vs CBMA Golden Eagles
Women’s volleyball: CCJE Lions vs CBMA Golden Eagles
Ulat ni Neil Vincent V. Corpuz
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspective
Comments (0)
Join the discussion
Log in to comment and interact with other readers.
No comments yet. Be the first to share your thoughts!