Binabagabag, minumulto, at natutuliro,
Pilit nililimutan ang unos bago ang pasko.
Isang taon na naman ang matatapos,
Muli na namang sasalubungin ang bagong taon,
Subalit... heto ako, nagkakandarapa pa rin sa unos ng bagyo.
"Limutin mo na 'yan, nasasaktan ka na!"
Oo, pinipilit ko namang limutin pero sadyang mahirap unawain,
Wala akong magagawa eh,
Pero sinusubukan ko naman.
Haysss... pasko na, panahon na siguro,
Panahon na talaga,
Upang harapin ang paglimot sa mga unos ,
Magulo man o hindi maunawaan,
Kailangan ko ng tumalikod at lumimot.
Ikaw, kaya mo bang limutin siya?
Isinulat ni Ernesto A. Soberano II
Paglalatag ni Aldrien Jonathan T. Ceneze
#TheUniversityScribe
#20YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives
Comments (0)
Join the discussion
Log in to comment and interact with other readers.
No comments yet. Be the first to share your thoughts!